Pangulong Aleksandar Vucic ng Serbiya, nagpabangkete para kay Pangulong Xi

2024-05-08 23:05:18  CMG
Share with:

Belgrade, Serbiya Dumalo tanghali ng Mayo 8, 2024 (lokal na oras) sina Pangulong Xi Jinping at Unang Ginang Peng Liyuan ng Tsina sa bangketeng panalubong na inihandog ni Pangulong Aleksandar Vucic ng Serbiya.


Sa tagay, ipinagdiinan ni Pangulong Xi na may espesyal na damdaming pangkaibigan ang mga mamamayang Tsino sa Serbiya.


Nitong ilang taong nakalipas, kapansin-pansing bunga ang natamo ng dalawang bansa sa de-kalidad na magkasamang konstruksyon ng “Belt and Road” na nagiging masiglang praktis ng pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng sangkatauhan, saad ni Xi.


Tinukoy ni Xi na maraming komong palagay ang narating nila ni Pangulong Vucic.


Kasama ng mga mapagkaibigang mamamayang Serbiyano, nakahandang magpunyagi ang panig Tsino para sa pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalarang Sino-Serbiyano sa makabagong panahon, diin pa ni Xi.


Salin: Lito