Aktibidad ng pagpapalitang tao-sa-tao ng Tsina at Serbiya, ginanap sa Belgrade

2024-05-08 06:29:54  CMG
Share with:


Belgrade, kabisera ng Serbiya - Sa bisperas ng dalaw-pang-estado ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Serbiya, magkasamang itinaguyod, Mayo 7, 2024 ng China Media Group (CMG) at Radio Television Serbia (RTS) ang aktibidad ng pagpapalitang tao-sa-tao.

 


Sa pamamagitan ng video speech, ipinaabot ni Pangulong Aleksandar Vucic ng Serbiya ang pagbati sa tagumpay ng aktibidad.

 


Sa kanya namang hiwalay na talumpati, inihayag ni Presidente Shen Haixiong ng CMG ang pag-asang ibayo pang mapapalawak ang mga tsanel ng pagpapalitang tao-sa-tao ng dalawang bansa, at mapapatingkad ang makabagong lakas-panulak sa pagpapasulong ng pagbuo ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio