"Mga Klasikong Sipi ni Xi Jinping," isinahimpapawid sa Serbiya

2024-05-08 01:34:10  CMG
Share with:

Belgrade, kabisera ng Serbiya - Sa bisperas ng gagawing dalaw-pang-estado ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Serbiya, ginanap, Mayo 7, 2024 ng China Media Group (CMG) ang isang seremonya upang ilunsad ang multilingguwal na serye ng “Mga Klasikong Sipi ni Xi Jinping.”

 


Inilahad sa nasabing palatuntunan ang mga sinaunang panitikan at klasikong Tsino na sinipi ni Xi sa kanyang mahahalagang talumpati, artikulo at pananalita, para ipakita ang kanyang malalim na pagkaunawa sa kultura at pangako sa pagpapauna ng mga mamamayan.

 

Pinasalamatan naman ni Pangulong Aleksandar Vucic ng Serbiya ang ginagawang sigasig ng CMG para sa pagkakaibigang Serbiyano-Sino.

 


Nais niyang palakasin ng pamahalaang Serbiyan at CMG ang pagpapalitan at mutuwal na pagkatuto sa iba’t-ibang paraan, upang pasulungin ang balot-sa-bakal na pagkakaibigan ng dalawang bansa sa bagong antas.

 


Sa kanya namang talumpati, inihayag ni Presidente Shen Haixiong ng CMG, na sa pamamagitan ng nasabing seryeng multilingguwal, naniniwala siyang mabubuksan ang bintana para sa mas mabuting pag-unawa ng mga kaibigang Serbiyano sa katalinuhan ni Pangulong Xi sa pangangasiwa sa bansa at kulturang Tsino.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio