Rebokasyon ng Amerika sa lisensya ng ilang kompaya na magluwas ng chip sa Huawei, tinututulan ng Tsina

2024-05-09 15:18:59  CMG
Share with:

Kaugnay ng rebokasyon kamakailan ng pamahalaang Amerikano sa lisensya ng ilang kompanya na magluwas ng chip sa Huawei, ipinahayag Mayo 8, 2024, ng tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina (MOC), na ginagawang pulitikal ng Amerika ang isyung pangkabuhayan at pangkalakalan, at ito’y mariing tinututulan ng Tsina.

 

Anang tagapagsalita, ang aksyon ng Amerika ay hindi lamang labag sa regulasyon ng World Trade Organization (WTO), ito rin ay grabeng nakakapinsala sa kapakanan ng mga kompanyang Amerikano.

 

Isasagawa aniya ng Tsina ang lahat ng kinakailangang hakbangin para mapangalagaan ang lehitimong karapatan ng mga kompanayang Tsino.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio