CPI ng Tsina sa Abril, tumaas ng 0.3%

2024-05-11 15:45:39  CMG
Share with:

Ayon sa datos ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina Sabado, Mayo 11, 2024, tumaas ng 0.3% ang consumer price index (CPI) ng bansa nitong Abril, kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon.

 

Samantala, tuluy-tuloy na napanumbalik ang pangangailangan sa konsumo ng mga residente noong Abril, at patuloy ring napanumbalik ang produksyong industriyal.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil