Ayon sa datos ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina Biyernes, Enero 12, 2024, tumaas ng 0.2% kumpara noong 2022 ang consumer price index (CPI) ng bansa, isang primaryong sukat ng implasyon, noong nagdaang 2023.
Sa epekto ng malamig na panahon at pagdaragdag ng pangangailangan ng konsumo sa bisperas ng kapistahan, ang CPI noong Disyembre ay tumaas ng 0.1% kumpara sa noong Nobyembre.
Samantala, bumaba ng 3% kumpara noong 2022 ang producer price index (PPI) ng Tsina noong 2023.
Sinusukat ng PPI ang halaga ng bilihin mula sa pabrika.
Salin: Vera
Pulido: Ramil