Ipinadala kamakailan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensaheng pambati kay bagong halal na Pangulong Jose Raul Mulino ng Panama.
Tinukoy ni Xi, na ang pagkakatatag noong Hunyo 2017 ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Panama ay nagbukas ng bagong kabanata sa relasyon ng dalawang bansa.
Nitong halos pitong taong nakalipas, mabilis aniya ang pag-unlad at masagana ang mga bunga ng relasyong ito.
Dagdag ni Xi, ang pagpapasulong sa relasyon ng Tsina at Panama, at paggigiit sa prinsipyong isang Tsina ay naging malawakang komong palagay ng iba’t-ibang sirkulo ng lipunan ng dalawang bansa.
Kasama ni Mulino, nakahanda aniya siyang palakasin ang mapagkaibigang pagpapalagayan para tuluy-tuloy at malalim na sumulong ang relasyon ng dalawang bansa, at magdulot ng mas maraming aktuwal na benepisyo sa kani-kanilang mga mamamayan.
Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan