Sa pulong, Mayo 11, 2024, sa Beijing, binigyang-diin ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na ang pagpapaunlad ng edukasyong ideolohikal at pulitikal ay dapat alinsunod sa patnubay ng Kaisipan sa Sosyalismong may Katangiang Tsino sa Bagong Panahon, at dapat maging saligang tungkulin ng edukasyong ito ang pagsusulong ng kabutihan ng mga mag-aaral.
Hiniling niyang buuin ang sistema ng mga aklat na nakatuon sa Kaisipan sa Sosyalismong may Katangiang Tsino sa Bagong Panahon at pasulungin ang integrasyon ng edukasyong ideolohikal at pulitikal sa iba’t-ibang lebel mula elementarya hanggang sa pamantasan.
Dapat gawing mas espisipiko at kaakit-akit ang mga kurso ng edukasyong ideolohikal at pulitikal, dagdag niya.
Kailangan din aniyang likhain ng iba’t-ibang uri ng mga paaralan sa iba’t-ibang lebel ang bagong landas sa edukasyong ideolohikal at pulitikal, para humubog ng mahuhusay na makabayang indibidwal, dedikado, at may kakayahang magsabalikat ng misyon ng pagsasakatuparan ng pagbangon ng nasyong Tsino.
Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan