Bagong tsanel sa paghahatid ng saklolo sa Gaza, inanunsyo ng Israel

2024-05-13 16:26:09  CMG
Share with:

Inanunsyo, Linggo, Mayo 12, 2024 ng Israel Defense Force (IDF) ang pagbubukas ng bagong tsanel na tinatawag na "Western Erez Crossing," para sa paghahatid ng makataong saklolo sa Gaza Strip.

 

Ang nasabing tsanel ay itinayo sa ilalim ng koordinasyon ng Amerika.

 

Samanatala, sinabi rin ng IDF, na isang malawakang operasyon sa rehiyon ng Jabaliya sa hilagang Gaza ang inilunsad nito nang araw ring iyon at nagpapatuloy pa ang operasyon nito sa silangang Rafah at bahaging Gaza ng Rafah crossing.

 

Nananawagan ang IDF sa mga sibilyan na lumikas mula Jabaliya patungong kanlurang Gaza City.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio