Ibayong paglikas ng mga taga-Rafah, hiniling ng Israel: UNRWA, nagpahayag ng pagkabahala

2024-05-12 16:35:49  CMG
Share with:

Hiniling Mayo 11, 2024, ng hukbong Israeli ang paglikas ng mas maraming residenteng Palestino sa silangan ng Rafah, lunsod sa pinaka-timog na bahagi ng Gaza Strip, dahil ipagpapatuloy nito ang mga operasyong militar na nakatuon sa mga militanteng Hamas.

 

Kaugnay nito, ipinahayag ng awtoridad ng seguridad ng Palestina, na ang naturang kahilingan ay nangangahulugang unti-unting ipinatutupad ng Israel ang planong paglilipat sa mga residente ng Rafah, bilang paghahanda para sa isang malakihang operasyong militar at pananalakay sa lunsod.

 

Ayon naman sa United Nations Relief and Works Agency for Palestine Refugees in the Near East (UNRWA), ang naturang kahilingan ay makakaapekto sa 300,000 katao sa Gaza.

 

Dagdag nito, mula noong nagdaang Lunes, lumikas na mula sa Rafah ang 150,000 Palestino para maghanap ng ligtas na lugar, pero hanggang sa kasalukuyan, wala pa ring lugar na nakalaan para sa kanila.


Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan