Relasyon ng Tsina at Timog Korea, pasusulungin

2024-05-14 16:38:38  CMG
Share with:

Nag-usap ngayong araw, Mayo 14, 2024, sa Beijing, sina Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina at Cho Tae-yul, dumadalaw na Ministrong Panlabas ng Timog Korea.

 


Ipinunto ni Wang na ang relasyon ng Tsina at Timog Korea ay nahaharap sa mga kahirapan at hamon kamakailan, na hindi angkop sa komong interes ng dalawang panig.

 

Inaasahan aniya na susundin ng dalawang bansa ang mabuting direksyon ng kapitbahayan at pagkakaibigan, mananatali sa layunin ng mutuwal na benepisyong kooperasyon, aalisin ang mga kaguluhan, at magkasamang magsisikap para pasulungin ang malusog at matatag na pag-unlad ng relasyong Sino-Timog Koreano.

 

Sinabi naman ni Cho na lubos na pinahahalagahan ng pamahalaan ng Timog Korea ang relasyon sa Tsina, at umaasa siya na mahigpit na makikipagtulungan sa Tsina para maitatag ang malusog at ganap na estratehikong kooperatibong partnership batay sa mutuwal na paggagalangan, at komong kapakanan.

 

Nakahanda aniya ang Timog Korea na palalimin ang pagtitiwalaan sa isa’t isa, palawakin ang napagkasunduan at palakasin ang pakikipagtulungan sa Tsina, para maiwasan, hangga’t maaari ang heopolitikal na hadlang at magkasamang buksan ang bagong kalagayan ng bilateral na kooperasyon.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil