Xi Jinping, nagpadala ng mensahe ng pakikiramay kaugnay ng matinding pag-uulan sa Brazil

2024-05-16 10:27:59  CMG
Share with:

Nagpadala Mayo 14, 2024 si Pangulong Xi Jinping ng Tsina ng mensahe ng pakikiramay kay Pangulong Luiz Inacio Lula da Silva ng Brazil kaugnay ng malubhang kasuwalti na dulot ng matinding pag-uulan sa lalawigang Rio Grande do Sul ng bansang ito.

 

Sa kanyang mensahe, ipinahayag ni Xi, sa ngalan ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino, ang lubos na pakikidalamhati sa mga biktima at taos-pusong pakikiramay sa mga kamag-anak ng biktima at mga apektadong mamamayan.

 

Ani Xi, naniniwala siyang siguradong mapagtatagumpayan ng mga apektadong mamamayan ng Brazil ang mga kahirapan at muling itatayo ang kanilang tahanan.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil