Mas malaking sigasig para ipromote at proteksyunan ang Great Wall, ipinanawagan ng pangulong Tsino

2024-05-15 18:27:36  CMG
Share with:

Sa kanyang pagsagot sa liham ng mga taganayong naninirahan sa paanan ng Badaling Great Wall sa Yanqing District ng Beijing Martes, Mayo 14, 2024, ipinanawagan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang ibayo pang pagsisigasig, upang palaganapin ang kultura at mga kuwento ng Great Wall.

 

Umaasa siyang sa pamamagitan ng magkasamang pagsisikap, mas maraming tao ang makaka-alam at poprotekta sa Great Wall, at mag-aambag sa pagtatatag ng malakas na sosyalistang bansang pangkultura, at pagpapasulong sa modernisasyong Tsino.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio