Xi Jinping at Vladimir Putin, nag-usap

2024-05-16 13:13:16  CMG
Share with:

Sa pag-uusap ngayong umaga, Mayo 16, 2024 sa Beijing nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Vladimir Putin ng Rusya, sinabi ni Xi na ang relasyong Sino-Ruso ay nakaranas sa pagsubok ng pagbabago ng kalagayang pandaigdig at ito ay naging modelo ng relasyon ng mga malalaking bansa sa paggalang sa isa’t isa, matapat na pakikipagtunguhan sa isa’t isa, mapayapang pakikipamuhayan at may mutuwal na kapakinabangan.

 

Sinabi pa ni Xi na kasama ng Rusya, palagiang nakahanda ang Tsina na maging mapagkakatiwalang kapitbansa, kaibigan at katuwang para magkasamang isakatuparan ang pag-unlad ng kanila-kanilang bansa.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil