Kooperasyon, palalakasin ng Tsina at Kyrgyzstan

2024-05-20 16:32:08  CMG
Share with:

Sa kanyang pagbisita sa Kyrgyzstan, Mayo 17 hanggang 20, 2024, magkakahiwalay na kinatagpo si Liu Guozhong, Pangalawang Premyer ng Tsina, nina Pangulong Sadyr Japarov at Punong Ministro Akylbek Japarov ng bansang ito.

 

Seryosong pinag-usapan ng dalawang panig ang relasyon at kooperasyon ng Tsina at Kyrgyzstan sa iba’t-ibang larangan.

 

Sa magkakahiwalay na okasyon, ipinarating ni Liu ang pangungumusta nina Pangulong Xi Jinping at Premyer Li Qiang ng Tsina kina Pangulong Sadyr Japarov at PM Akylbek Japarov.

 

Sa pagsisikap ng mga lider ng dalawang bansa, ganap aniyang pinapasulong ang kooperasyon ng Tsina at Kyrgyzstan sa iba’t-ibang larangan, at pinapabuti ang relasyon ng dalawang panig sa lahat ng dako.

 

Kasama ng Kyrgyzstan, nakahandang magsikap ang Tsina para komprehensibong maisakatuparan ang konsenso ng mga lider ng dalawang bansa, matatag na suportahan ang isa’t-isa sa mga isyung may kinalaman sa nukleong kapakanan, isagawa ang dekalidad na kooperasyon ng “Belt and Road,” walang humpay na palalimin at palawakin ang aktuwal na kooperasyon, at palakasin ang koordinasyon sa mga multilateral na framework, para maitayo ang komunidad ng pinagbabahaginang kapalaran ng Tsina at Kyrgyzstan, dagdag niya.

 

Mataas namang pinahahalagahan nina Pangulong Sadyr Japarov at PM Akylbek Japarov ang bunga ng pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.

 

Inulit nila ang matibay na suporta sa Tsina sa mga mahalagang isyung may kinalaman sa Taiwan, Xinjiang, Xizang, at Hong Kong.


Suportado ng Kyrgyzstan ang pagtatayo ng komunidad ng pinagbabahaginang kapalaran ng buong sangkatauhan, Global Security Initiative, Gobal Development Initiative at Global Civilization Initiative, anila.

 

Nakahanda rin anila ang Kyrgyzstan na palakasin ang kooperasyon sa  iba’t-ibang larangan para idulot ang mas maraming benepisyo sa mga Kyrgyz at Tsino.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio