De-kalidad na kooperasyon ng Tsina at Kyrgyzstan sa BRI, ipinanawagan ng premyer Tsino

2023-10-26 15:14:30  CMG
Share with:

Bishkek, Kyrgyzstan – Sa pagtatagpo nina Pangulong Sadyr Japarov ng Kyrgyzstan at Premyer Li Qiang ng Tsina, Oktubre 25, 2023, tinukoy ng premyer Tsino, na ang Kyrgyzstan ay mahalagang kapitbansa ng Tsina.

 

Kasama ng panig Kyrgyz, nakahanda aniyang ipatupad ng panig Tsino ang mahahalagang komong palagay ng mga lider ng dalawang bansa; palalimin ang pagtitiwalaang pulitikal; gawing pokus ang de-kalidad na kooperasyon sa Belt and Road; pasulungin ang pagtatamo ng mas malaking progreso ng kooperasyon sa iba’t-ibang larangan; itatag ang mas matibay at mas masiglang komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina at Kyrgyzstan; at ihatid ang mas maraming benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa.

 


Inihayag naman ni Japarov ang kahandaan ng Kyrgyzstan na patibayin ang relasyong pangkapitbansa at pangkaibigan sa Tsina, pasulungin ang kooperasyon ng Belt and Road, palakasin ang kooperasyon ng Tsina at Gitnang Asya, at pasulungin ang seguridad at kaunlaran ng rehiyon.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio