Sa isang aktibidad ng mapagkaibigang pagpapalitan, ipinahayag kamakailan sa publiko ng mga politiko mula sa mga bansa, pandaigdigang organisasyon at tauhan mula sa iba’t ibang sirkulo, na nananagan sila sa prinsipyong isang-Tsina, sinusuportahan ang Tsina sa pangangalaga ng soberanya at integridad ng teritoryo ng bansa, tinututulan ang “pagsasarili ng Taiwan,” at tinututulan ang pakikialam sa mga suliraning panloob ng Tsina.
Kaugnay nito, ipinahayag Mayo 20, 2024, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na pinatunayan ng mga katotohanan na ang pagsunod sa prinsipyong isang-Tsina ay konsensus ng komunidad ng daigdig.
si Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina (file photo)
Ani Wang, magbago man ang situwasyong pulitikal sa loob ng isla ng Taiwan, hindi nito mababago ang katotohanang historikal at pambatas na ang magkabilang pampang ng Taiwan Strait ay nabibilang sa isang Tsina, at hindi rin mababago ang tunguhing pangkasaysayan ng unipikasyon ng Tsina.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio