Ipinadala kamakailan ng Amerika at ilang bansa ang opisyal sa paglahok sa “seremonya ng inagurasyon” ni Lai Ching-te at binati siya sa kanyang “panunungkulan,” at pinasalamatan ng awtoridad ng Democratic Progressive Party (DPP) tungkol dito.
Kaugnay nito, ipinahayag Mayo 20, 2024, ni Chen Binhua, Tagapagsalita ng Tanggapan ng Konseho ng Estado ng Tsina sa Mga Suliranin ng Taiwan, na umaasa ang awtoridad ng DPP sa mga puwersang panlabas para sa “pagsasarili ng Taiwan” at patuloy na pinalalawak ang umano’y “espasyong pandaigdig.”
si Chen Binhua, Tagapagsalita ng Tanggapan ng Konseho ng Estado ng Tsina sa Mga Suliranin ng Taiwan(file photo)
Ganap na inililihis ng aksyong ito ang pangunahing opinyon ng publiko sa isla at sinisira ang kapayapaan at katatagan ng rehiyon ng Taiwan Strait.
Tinukoy ni Chen na ang “pagsasarili ng Taiwan” at pagsuporta dito ay tiyak na mabibigo.
Sinabi ni Chen na ang prinsipyong isang-Tsina ay pundamental na prinsipyo ng relasyong pandaigdig at konsensus ng komunidad ng daigdig.
Buong tatag aniyang tinututulan ng panig Tsino ang pagkakaroon ng opisyal na pakikipag-ugnayan ng Amerika at iba pang bansang may relasyong diplomatiko sa Tsina sa rehiyong Taiwan sa anumang porma, at mariing kinokondena ang pakikialam sa mga suliranin ng Taiwan sa anumang katuwiran at porma.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil