Paghamon sa prinsipyong isang-Tsina, tatangayin ng agos ng panahon sa bandang huli - MOFA

2024-05-21 15:10:22  CMG
Share with:

Kaugnay ng walang humpay na pagkalat ng iilang personaheng Amerikano ng mga pananalitang nagpilipit sa resolusyong bilang 2758 ng United Nations General Assembly (UNGA), ipinagdiinan Lunes, Mayo 20, 2024 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina na batay sa batas man o sa katotohanan, ang Taiwan ay isang di-maihihiwalay na bahagi ng Tsina.

 

Binabalaan aniya ng panig Tsino ang iilang Amerikano na umaabante ang agos ng panahon. Sinumang sumusunod sa agos ng panahon ang sasagana, at sinumang taliwas dito ang malilipol.

 

Ang paghamon sa prinsipyong isang-Tsina ay tatangayin ng agos ng panahon sa bandang huli, dagdag niya.

 


Saad ni Wang, nilinaw sa 1943 Cairo Declaration na dapat isauli sa Tsina ang lahat ng mga teritoryong ninakaw ng Hapon mula sa mga Tsino na gaya ng Manchuria, Formosa, at Pescadores. Ibayo pang humiling ang 1945 Potsdam Proclamation na kailangang ipatupad ang mga tadhana ng Cairo Declaration.

 

Bukod pa riyan, kapuwa sa 1945 Japanese Instrument of Surrender at 1972 China-Japan Joint Communiqué, nangako ang Hapon na sundin ang nabanggit na alituntunin ng Potsdam Proclamation.

 

Tinukoy ni Wang na nilutas sa resolusyong bilang 2758 ng UNGA ang isyung sino ang kumakatawan sa buong Tsina, ibig sabihin, ang pamahalaan ng Republika ng Bayan ng Tsina ay siyang tanging lehitimong pamahalaan na kumkatawan sa buong Tsina na kinabibilangan ng Taiwan sa UN.

 

Nilinaw din nitong iisa lang ang Tsina sa mundo, ang Taiwan ay bahagi ng Tsina, di-soberanong entidad din, at tiyak ang prinsipyong isang-Tsina, aniya.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil