Ipinahayag Mayo 21, 2024, ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang pagpapadala kamakailan ng ilang bansang may relasyong diplomatiko sa Tsina ng opisyal nito sa “seremonya ng inagurasyon” ni Lai Ching-te, lider ng rehiyong Taiwan ng Tsina, o pagbibigay ng mensaheng pambati sa kanya, ay isang uri ng opisyal na interaksyon sa rehiyong Taiwan.
Ito aniya ay labag sa prinsipyong isang-Tsina at pundamental na prinsipyo ng pandaigdigang relasyon, naki-alam sa mga suliraning panloob ng Tsina, sumabotahe sa soberanya at kabuuan ng teritoryo ng Tsina, at nakakapinsala sa kapayapaan at katatagan ng Taiwan Strait.
Mahigpit aniya itong kinokondena ng Tsina.
Diin ni Wang, iisa lang ang Tsina sa daigdig, ang Taiwan ay di-maihihiwalay na bahagi ng teritoryo ng Tsina, at ang pamahalaan ng Republika ng Bayan ng Tsina ay siyang tanging lehitimong pamahalaan na kumakatawan ng buong Tsina.
Ang mga bansang mayroong relasyong diplomatiko sa Tsina na opisyal na nakipagpalitan sa Taiwan sa anumang porma ay matinding tinututulan ng Tsina, saad ni Wang.
Isasagawa aniya ng bansa ang anumang kinakailangang hakbangin para mapangalagaan ang sariling kapakanan.
Salin:Sarah
Puildo:Rhio