MOFA: Gagamitin ng panig Tsino ang mga kinakailangang hakbangin para pangalagaan ang sariling lehitimong karapatan at kapakanan

2024-05-16 15:19:36  CMG
Share with:

Kaugnay ng pahayag kamakailan ng Departamento ng mga Suliraning Panlabas (DFA) ng Pilipinas na nagsasabing isasagawa ang imbestigasyon sa mga diplomatang Tsino at gagamitin ang mga katugong hakbangin, ipinahayag ngayong araw, Mayo 16, 2024 ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang mga nilalaman na inilabas ng Embahadang Tsino sa Pilipinas ay katotohanan.

 

Ani Wang, malinaw ang timeline at mga katotohanan hinggil sa pagkakaroon ng Tsina at Pilipinas ng “Maginoong Kasunduan” at “Bagong Modelo” hinggil sa maayos na paghawak at pagkontrol sa kalagayan ng South China Sea (SCS).

 

Ang mga pananalita at aksyon ng panig Pilipino hinggil sa paglabag sa nabanggit na mga komong palagay ay nagpapakitang walang kredibilidad ang Pilipinas sa isyung ito at nagsasagawa ng probokatibong aksyon sa SCS, dagdag ni Wang.

 

Hinimok ni Wang ang panig Pilipino na itigil ang mga probokatibong aksyon at bumalik sa landas ng maayos na paglutas sa mga alitan sa pamamagitan ng talastasan.

 

Saad pa niya na kung buong tigas na ipagpapatuloy ng Pilipinas ang kasalukuyang paninindigan at kilos, gagamitin ng panig Tsino ang mga kinakailangang katugong hakbangin para pangalagaan ang sariling lehitimong karapatan at kapakanan.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil