Programa ng AI, inilabas ng CMG sa Shenzhen

2024-05-23 16:44:23  CMG
Share with:

Mayo 22, 2024, lunsod Shenzhen – Magkakasamang inilunsad ng China Media Group (CMG), Tanggapan ng Sentral na Komisyon sa Usapin ng Cyberspace, at pamahalaan ng lalawigang Guangdong, ang programa hinggil sa artificial intelligence (AI).

 

Isang white paper tungkol sa pag-unlad ng AI ang inilahad din ng CMG, kung saan nakalahad ang prinsipyo sa paggamit ng teknolohiya ng AI.

 

Ayon sa plano, isasahimpapawid sa iba’t-ibang plataporma ng CMG ang nasabing programa sa buwan ng Hunyo.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio