Bagong programa ng CMG sa Olimpiyada sa Paris, inilabas

2024-05-20 13:27:07  CMG
Share with:

Inilabas, Mayo 19, 2024 ng China Media Group (CMG) ang bagong programang pinamagatang “Morning Sports” kaugnay ng 2024 Summer Olympic Games sa Paris, Pransya.

 

Ayon kay Presidente Shen Haixiong ng CMG, masikap na isasahimpapawid ng CMG ang mga programa ng olimpiyada bilang main broadcasting body at all-media rights-holding broadcaster ng 2024 Olimpiyada.

 

Sinabi naman ni Thomas Bach, Presidente ng International Olympic Committee (IOC), pinananabikan niyang makita ang paggamit ng CMG ng mga teknolohiyang gaya ng artificial intelligence, immersive audio at iba pa para magdulot ng bagong karanasan sa mga manonood.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio