Nakipag-usap Mayo 23, 2024, sa Beijing, si Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, kay Celso Amorim, Espesyal na Tagapayo ng Pangulo ng Brazil.
Sinabi ni Wang na minamarkahan ng taong ito ang ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Brazil. Nakahanda aniya ang Tsina na pahigpitin ang pakikipagpalitan sa Brazil sa mataas na antas, palakasin ang estratehikong koordinasyon, at pahusayin ang katayuan ng relasyon ng dalawang bansa.
Lubos na susuportahan ng Tsina ang gawain ng Brazil bilang rotating president ng G20 ng taong ito at nakahandang palakasin ang pakikipatulungan sa Brazil para pasulungin ang pag-unlad ng relasyong Sino-Brazilian, dagdag ni Wang.
Sinabi naman ni Amorim na ang relasyon ng Brazil at Tsina ay mayroong estratehikong kahalagahan. Nakahanda aniya ang Brazil na walang humpay na pagyamanin ang konotasyon ng relasyon ng dalawang bansa, at mahigpit na makipagtulungan sa Tsina sa multilateral na plataporma.
Magkasamang inilabas ng dalawang panig ang Konsensus ng Tsina at Brazil hinggil sa Pulitikal na Paglutas ng Krisis ng Ukraine.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil