Sa panahon ng kanyang pagdalaw sa Brazil, kinatagpo kahapon, Enero 19, 2024, sa Fortaleza, si Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina ni Pangulong Luiz Inacio Lula da Silva ng Brazil.
Ipinahayag ni Lula ang pag-asang palalakasin ang pagpapalagayan sa mataas na antas ng Brazil at Tsina, at itataas sa bagong lebel ang komprehensibo at estratehikong partnership ng dalawang bansa.
Dagdag niya, nakahanda ang Brazil na samantalahin ang pagkakataon ng pagtataguyod ng Group of 20 Summit, BRICS Summit at United Nations Climate Change Conference, para pabutihin, kasama ng Tsina, ang pandaigdigang pangangasiwa, at palakasin ang kapangyarihan sa pagsasalita ng mga umuunlad na bansa sa daigdig.
Sinabi naman ni Wang, na laging binibigyang-priyoridad ng Tsina ang relasyon sa Brazil, buong tatag na sinusuportahan ang pagpapabilis ng Brazil ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan, at aktibong kinakatigan ang mas malaking papel ng Brazil sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig.
Nakahanda aniya ang Tsina, kasama ng Brazil, na pasulungin ang pagpapatupad ng mga komong palagay ng mga lider ng dalawang bansa, palakasin ang pagpapalagayan sa mataas na antas, at palalimin ang estratehikong pag-uugnayan, para lumikha ng bagong prospek ng relasyon ng dalawang bansa.
Editor: Liu Kai
Pulido: Ramil Santos