Isang mensahe ang ipinadala kamakailan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Luis Abinader bilang pagbati sa kanyang panunungkulan muli bilang pangulo ng Dominica.
Sa mensahe, tinukoy ni Xi na kasalukuyang napapanatili ang tunguhin ng positibong pag-unlad ng relasyong Sino-Dominican, walang patid na lumalalim ang pagtitiwalaang pulitikal, mabunga ang pragmatikong kooperasyon, at lumalakas ang pagtutulungan ng kapuwa bansa sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig.
Ani Xi, lubos niyang pinahahalagahan ang relasyong Sino-Dominican, at pinapurihan ang buong tatag na paggigiit ni pangulong Abinader sa prinsipyong isang-Tsina.
Kasama ni Abinader, nakahanda siyang magsikap para higit pang mapasulong ang relasyon ng dalawang bansa at mabenepisyunan ng mas mabuti ang dalawang bansa at kani-kanilang mga mamamayan, diin ni Xi.
Salin: Lito
Pulido: Ramil