Xi Jinping, dadalo at magtatalumpati sa seremonya ng pagbubukas ng Ika-10 Pulong na Ministeryal ng China-Arab States Cooperation Forum

2024-05-26 23:25:33  CMG
Share with:

Dadalo at bibigkas ng keynote speech si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa seremonya ng pagbubukas ng Ika-10 Pulong na Ministeryal ng China-Arab States Cooperation Forum na idaraos sa Mayo 30, 2024, sa Beijing.

 

Ang pulong na ito ay magkasamang pangunguluhan nina Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, at Mohamed Salem Ould Merzouk, Ministrong Panlabas ng Mauritania.

 

Lalahok din sa pulong ang mga ministrong panlabas o kinatawan ng mga bansang Arabe, at pangkalahatang kalihim ng Arab League.


Editor: Liu Kai