Relasyon ng Tsina at mga bansang Arabe, isusulong

2024-05-28 16:21:59  CMG
Share with:

Kaugnay ng pagdalo ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa seremonya ng pagbubukas ng Ika-10 Ministerial Conference of the China-Arab States Cooperation Forum, ipinahayag Mayo 27, 2024, ni Deng Li, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina (MOFA), na ang pulong ay magtatampok sa pagsasakatuparan ng konsensus ng mga lider, pagpapalawak ng kooperasyon ng Tsina at mga bansang Arabe sa iba’t ibang larangan, at pagtalakay ng mga kongkretong hakbangin. 


Ayon sa plano, pagtitibayin sa pulong ang ilang dokumento, pagpaplanuhan ang kooperasyon sa susunod na yugto, at ilalabas ang magkakasanib na boses ng Tsina at Arabe hinggil sa isyu ng Palestina. 


Magkakasamang dadaluhan ang seremonya ng pagbubukas sa Mayo 30, 2024, nina Pangulong Xi Jinping, kasama ng apat na lider ng bansang Arabe, na kinabibilangan nina Haring Hamad bin Isa al-Khalifa ng  Bahrain, Pangulong Abdul Fatah Al-Sisi ng Ehipto, Pangulong Kais Saied ng Tunisia, at Pangulong Mohammedbin Zayed al-Nahyan ng United Arab Emirates (UAE), na nasa dalaw-pang-estado sa Tsina at bibigkas si Pangulong Xi ng isang talumpati sa seremonya. 


Sinabi ni Deng na ito ay lubos na sumasalamin sa komong mithiin ng Tsina at mga bansang Arabe na magkaisa at magtulungan para pasulungin ang walang humpay na pag-unlad ng relasyong bilateral. 


Salin:Sarah

Pulido:Ramil