Seoul, Timog Korea - Ginanap Lunes, Mayo 27, 2024 ang Ika-8 Business Summit ng Tsina, Hapon at Timog Korea.
Kasali rito ang 240 kinatawan at personahe mula sa sirkulong komersyal ng tatlong bansa.
Ang kasalukuyang taon ay ika-25 anibersaryo ng kooperasyon ng tatlong bansa, at ika-15 anibersaryo rin ng paglulunsad ng business summit.
Sa kasalukuyang summit, mas pinahalagahan ng mga kalahok ang win-win na kooperasyon sa mga larangang gaya ng digital economy, artificial intelligence (AI), modernong manupaktura, berdeng enerhiya at iba pa.
Buong sabik din sila sa makabagong kasiglahang dulot ng pagpapalakas ng kooperasyong pangkabuhaya’t pangkalakalan ng tatlong bansa para sa kabuhayan ng rehiyon, maging ng buong mundo.
Si Premyer Li Qiang ng Tsina habang nagtatalumpati sa business summit
Dumalo at nagtalumpati sa nasabing summit sina Premyer Li Qiang ng Tsina, Pangulong Yoon Suk-yeol ng Timog Korea, at Punong Ministro Fumio Kishida ng Hapon.
Salin: Vera
Pulido: Rhio