CMG Komentaryo: Kooperasyon ng Tsina, Hapon at Timog Korea, mahalaga

2024-05-28 14:26:40  CMG
Share with:

Idinaos, Mayo 27, 2024, sa Seoul ng Timog Korea ang ika-9 na trilateral summit ng Tsina, Hapon, at Timog Korea.

 

Sa summit na ito, magkakasanib na ipinahayag sa publiko ang buong pagkakaisang sinang-ayunan ng tatlong bansa hinggil sa pagsasakatuparan ng Trilateral Cooperation Vision for the Next Decade na narating sa nagdaang summit, pagpapasulong ng mekanismo ng kooperasyon ng tatlong bansa at magkakasamang pangangalaga sa katatagan, kapayapaan, kaunlaran at kasaganaan ng buong daigdig.

 

Bilang tugon sa kasalukuyang masalimuot na kalagayang pandaigdig at mahinahong pagbangon ng kabuhayang pandaigdig, ang katatapos na trilateral summit ay palatandaan ng bagong simula ng kooperasyon ng tatlong bansa.

 

Ayon sa datos, ang kasalukuyang kabuuang halaga ng produksyong panloob (GDP) ng tatlong bansa ay katumbas ng 24% ng GDP ng buong daigdig. Ibig-sabihin, malaki ang impluwensiya ng kooperasyon ng tatlong bansa sa pagbangon ng kabuhayang pandaigdig.

 

Bukod dito, malawak ang espasyo ng kooperasyon ng tatlong bansa sa digital economy, AI, pinansiya, at iba pang mga larangan.

 

Sa katatapos na summit, iniharap ng tatlong bansa ang pagpapanumbalik ng talastasan ng China-Japan-ROK Free Trade Agreement para ibayo pang palawakin ang kooperasyon sa kabuhayan at kalakalan, lalong lalo na sa kadena ng pagsuplay at industriya.

 

Ito ay hindi lamang makakabuti sa kabuhayan ng tatlong bansa, kundi makakatulong sa pagbangon ng kabuhayang panrehiyon at pandaigdig.

 

Samantala, kinakaharap pa rin ng kooperasyon ng tatlong bansa ang mga hamon na dulot ng pakikialam ng Amerika.

 

Nananatiling magkakaiba ang pananaw ng Tsina at Hapon, at Timog Korea at Hapon sa isyu ng kasaysayan. Ito rin ay nakakaapekto sa pagtitiwalaang pulitikal ng tatlong bansa.

 

Sa hinaharap, dapat buong sikap na pigilan ng tatlong bansa ang mga hamong panlabas at isakatuparan ang mga natamong bunga ng trilateral summit.


Ito ay makakabuti sa kapakanan ng mga mamamayan ng tatlong bansa.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil