Nagtagpo Mayo 29, 2024 sa Beijing sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at kanyang counterpart na si Abdul Fatah Al-Sisi ng Ehipto.
Pumarito si Al-Sisi sa Beijing para dumalo sa seremonya ng pagbubukas ng ika-10 pulong ministeriyal ng China-Arab States Cooperation Forum at magsagawa ng dalaw-pang-estado sa Tsina at mainit na tinanggap ni Xi ang pagdalaw niya.
Sinabi ni Xi na sa kasalukuyan, kinakaharap ng daigdig ang mga malubhang isyu at hamon at kasama ng Ehipto, nakahanda ang panig Tsino na palalimin ang pagtitiwalaan, pasulungin ang kooperasyon, magkasamang pangalagaan ang pandaigdigang katarungan at pagkakapantay-pantay at komong interes ng mga umuunlad na bansa para bigyang ambag ang katatagan, kapayapaan, kaunlaran at kasaganaan ng daigdig.
Pagkatapos ng kanilang pagtatagpo, magkasama nilang dinaluhan ang seremonya ng paglalagda ng dalawang bansa ng mga dokumento ng kooperasyon sa iba’t ibang larangan.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil