Sa kanyang pangungulo sa isang group study session ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), hinimok ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC at Pangulo ng bansa, ang masipag na pagpapasulong sa de-kalidad at sapat na hanap-buhay, at tuluy-tuloy na pagpapalakas sa damdamin ng pakinabang sa kaisipan, kaligayahan at kaligtasan ng mga manggagawa.
Ani Xi, dapat igiit ng Tsina ang ideyang pangkaunlarang nakasentro sa mga mamamayan, at pagpapabuti ng kalidad at bilang ng mga trabaho, sa pamamagitan ng konkretong polisya ng pagpapasulong sa hanap-buhay.
Ipinalinawag naman ni Mo Rong, Puno ng Chinese Academy of Labor and Social Security ang hinggil sa de-kalidad at sapat na hanap-buhay, at iniharap ang ilang kaukulang mungkahi.
Ang hanap-buhay ani Xi ay pinakasaligang bahagi na may kinalaman sa pangunahing kapakanan ng mga mamamayan, malusog na pag-unlad ng kabuhaya’t lipunan, at pangmalayuang kapayapaan at katatagan ng bansa.
Salin: Vera
Pulido: Rhio