Hinimok ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang walang humpay na pagsisikap para sa pag-upgrade ng mga kalsada sa kanayunan at tiyakin na ito ay maayos at napapanatili.
Sinabi ito ni Xi sa isang bagong instruksyon hinggil sa mga gawaing may kinalaman sa kalsada sa kanayunan.
Sinabi niya na nitong ilang taong nakalipas, ang Ministri ng Transportasyon at ibang sentral at lokal na awtoridad ay nakagawa ng mga kapansin-pansing bunga ng pagpapabuti ng kalsada sa kanayunan, na nagpataas ng pakiramdam ng katuparan, kaligayaan at seguridad ng mga residente ng kanayunan.
Ani Xi, ipagkakaloob ng mas mahusay na kalsada sa kanayunan ang matatag na suporta para sa pagdadala ng komong kasaganaan sa mga residente ng kanayunan, pagpapadali ng rebitalisasyon ng kanayunan, at pagpapabilis ng modernisasyon ng agrikultura at kanayunan ng Tsina.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil