Xi Jinping: Dapat ipromote ang modernisasyon ng gawaing seguridad na pampubliko

2024-05-30 11:22:50  CMG
Share with:

Sa kanyang pakikipagtagpo Miyerkules, Mayo 29, 2024 sa mga tauhan ng pulisya na lumahok sa pambansang pulong ng gawaing seguridad na pampubliko, hiniling ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa puwersa ng pulisya na ipromote ang modernisasyon ng gawaing seguridad na pampubliko.


Sa parehong araw ng pagdaraos ng pulong na ito, bumigkas si Chen Wenqing, Kalihim ng Political and Legislative Affairs Committee ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), na dapat panatilihin ng puwersa ng pulisya ang katapatan, kalinisan at paghahanda para sa tungkulin.


Nanawagan din siya sa puwersa ng pulisya para mapigilan ang mga krisis, maigarantiya ang katatagan at seguridad, pataasin ang kalidad, episiyensiya, at kredibilidad ng pagpapatupad ng batas, at palakasin ang puwersang pulisya sa pamamagitan ng reporma.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil