Li Qiang, nakipagtagpo kay Deputy Prime Minister ng Malaysia

2024-05-30 16:36:29  CMG
Share with:

Nakipagtagpo hapon ng Mayo 29, 2024, si Li Qiang, Premyer ng Konseho ng Estado ng Tsina, kay Dato' Seri Dr. Ahmad Zahid bin Hamidi, Deputy Prime Minister at Ministro ng Rural at Regional Development ng Malaysia para sa isang opisyal na pagbisita. 



Tinukoy ni Li na nakahandang magsikap ang Tsina kasama ng Malaysia, para palakasin ang koordinasyon ng mga estratehiyang pangkaunlaran ng dalawang bansa, ipatupad ang mga pangunahing proyekto ng kooperasyon ng “Belt and Road Initiative,” malalim na galugarin ang potensyal ng kooperasyon sa mga umuusbong na larangang tulad ng digital economy at bagong enerhiyang sasakyan, palawakin ang saklaw ng kalakalan, at isagawa ang mas maraming pagpapalitan at pagtutulungan sa edukasyon, kultura, kabataan at ibang larangang kultural. 


Sinabi rin ni Li na nakahanda ang Tsina, kasama ng Malaysia, na palakasin ang multilateral na kooperasyon para mapanatili ang tamang direksyon ng kooperasyon ng Silangang Asya at epektibong mapangalagaan ang magandang kapaligiran ng pag-unlad ng rehiyong ito. 


Ipinahayag naman ni Zahid na ang relasyong Sino-Malaysian ay hindi maapektuhan ng anumang puwersa sa labas ng rehiyon, nagsisikap ang Malaysia para pasulungin ang konsultasyon ng Code of Conduct in the South China Sea, at sinumang puwersang panlabas na nagtangkang manggulo sa South China Sea ay mabibigo.

 

Aniya, nakahanda ang Malaysia na magsikap, kasama ng Tsina, para lalo pang palalimin ang koordinasyon at kooperasyon sa mga usaping panrehiyon at pandaigdig. 


Salin:Sarah

Pulido:Ramil