Relasyon ng Tsina at Bahrain, itinaas sa komprehensibo’t estratehikong partnership

2024-06-01 10:58:28  CMG
Share with:

Great Hall of the People, Beijing — Sa kanyang pakikipagtagpo Mayo 31, 2024 kay Hamad bin Isa Al-Khalifa, Hari ng Bahrain, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na mabuting kaibigan at katuwang ang Bahrain ng Tsina sa rehiyong Gulpo.


Sinabi ni Xi na nitong ilang taong nakalipas, nananatiling matatag at malusog ang pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Bahrain, bagay na nakakapaghatid ng aktuwal na benepisyo sa kanilang mga mamamayan.


Ani Xi, ang kasalukuyang taon ay ika-35 anibersaryo ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Baharain, at magkasamang sinang-ayunan ng kapuwa panig na itaas ang relasyon ng dalawang bansa sa komprehensibo’t estratehikong partnership.


Ito ang bagong milestone sa kasaysayan ng pag-unlad ng relasyon ng kapuwa bansa, dagdag niya.


Salin: Lito

Pulido: Ramil