Mga puno ng estado ng Bahrain, Ehipto, Tunisia at UAE, dadalaw sa Tsina

2024-05-27 15:50:16  CMG
Share with:

Inanunsyo Lunes, Mayo 27, 2024 ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina na sa paanyaya ni Pangulong Xi Jinping ng bansa, isasagawa nina Haring Hamad bin Isa Al Khalifa ng Bahrain, Pangulong Abdel Fattah El-Sisi ng Ehipto, Pangulong Kais Saied ng Tunisia, at Pangulong Sheikh Mohamed bin Zayed Al Nahyan ng United Arab Emirates (UAE) ang dalaw-pang-estado sa Tsina mula Mayo 28 hanggang Hunyo 1.

 

Dadalo rin sila sa seremonya ng pagbubukas ng Ika-10 Pulong Ministeryal ng China-Arab States Cooperation Forum, dagdag ni Hua.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio