Pagtatayo ng mapagkaibigang lunsod para sa kabataan, isinusulong ng iba’t-ibang lugar ng Tsina

2024-06-01 11:24:27  CMG
Share with:


Sa okasyon ng International Children’s Day, natamo ng iba’t-ibang lugar ng Tsina ang mga bagong progreso sa programa ng pagtatayo ng mapagkaibigang lunsod para sa kabataan.

Noong Marso ng kasalukuyang taon, inilabas ang ika-3 pangkat ng listahan ng pagtatayo ng mga mapagkaibigang lunsod para sa kabataan.

Hanggang sa ngayon, halos 100 lunsod ng buong Tsina ang sumapi sa programang ito.

Ang mapagkaibigang lunsod para sa kabataan ay tumutukoy sa mga lunsod na nagkakaloob ng paborableng kondisyon, kapaligiran, at serbisyo para sa paglaki ng mga kabataan upang totohanang maigarantiya ang kanilang iba’t-ibang karapatan at kapakanan.


Salin: Lito

Pulido: Ramil