Pangulong Xi, binigyan-diin ang komprehensibong pag-unlad ng mga bata

2024-05-31 16:46:09  CMG
Share with:

Sa kanyang tugon sa isang liham, Huwebes, Mayo 31, 2024, sa mga estudyante ng mababang paaralan sa Sichuan, lalawigan sa dakong timog-kanluran ng Tsina, binigyan-diin ni Pangulong Xi Jinping ng bansa ang komprehensibong pag-unlad ng mga bata.

 

Hinihikayat ni Xi ang mga estudyante na maging makabayan, umaasa sa sarili at naghahangad na mga bata sa bagong panahon, at ipinaabot ang pagbati ng International Children’s Day sa mga bata sa buong bansa.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil