Mas mabuting kapaligirang pampalakasan, ipinanawagan ni Xi Jinping sa Pandaigdigang Araw ng mga Bata

2023-06-01 11:52:08  CMG
Share with:

Ngayong araw, Hunyo1, 2023 ay Pandaigdigang Araw ng mga Bata at ito ay ipinagdiriwang kada taon sa Tsina.

 

Kaugnay nito, bumisita Miyerkules, Mayo 31, 2023 si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Beijing Yuying School, isang elementaryang eskuwelahan sa kabisera ng bansa, para kumustahin ang mga guro’t estudyante, at ipaabot ang kanyang pagbati sa pestibal ng mga bata.

 


Hinimok niya ang mga pamilya, paaralan at lipunan na magkakasamang likhain ang mas maraming kondisyon sa pagpapalakas ng katawan at pagpapabuti ng kalusugan ng mga bata.

 

Ipinagdiinan din niya ang kahalagahan ng pagkakaroon ng etikal na panuntunan, intelektuwal na abilidad, masigasig na pangangatawan, astetikong sensibilidad, at kakayahan sa pagpupunyagi ng mga bata.

 


Umaasa aniya siyang tataglayin ng kabataan ng makabagong panahon ang sariling pangarap at target, masigasig nilang pag-aaralan ang iba’t-ibang kaalaman, magiging mabait, at magkakaroon ng pananaw para hagilapin ang inobasyon.

 


Sa kanyang pagdalaw sa taniman ng mga estudyante, sinabi ni Xi, na nais niyang maunawaan ng mga bata ang sakripisyo ng mga magsasaka, at  pagmamahal sa pisikal na trabaho upang magkaroon ng makakain, at paggalang sa kalikasan.

 


Hinimok din niya ang lahat ng mga guro na itayo ang mataas na pamantayan ng moralidad.

 

Saad ni Xi, ang mga bata ang magiging pangunahing puwersa sa hinaharap na magsasabalikat ng tungkulin ng pagtatatag ng isang malakas na bansa at pag-ahon ng nasyong Tsino.

 

Pinagsisikapan ng henerasyong ito na maitayo ang Tsina bilang isang dakilang modernong sosyalistang bansa sa lahat ng aspekto sa kalagitnaan ng kasalukuyang siglo, at sa hinaharap, dapat ding magpunyagi ang mga bata upang ipagpatuloy ang nasabing misyon, dagdag ni Xi.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio