Mensaheng pambati, ipinadala ni Li Qiang kay Sheikh Ahmad Abdullah Al-Ahmad Al-Sabah

2024-06-01 10:56:37  CMG
Share with:

Isang mensahe ang ipinadala Mayo 29, 2024 ni Premyer Li Qiang ng Tsina kay Sheikh Ahmad Abdullah Al-Ahmad Al-Sabah bilang pagbati sa kanyang panunungkulan bilang Punong Ministro ng Kuwait.


Sa kanyang mensahe, ipinahayag ni Premyer Li na malalim ang tradisyonal na pagkakaibigan ng Tsina at Kuwait, at nitong ilang taong nakalipas, nananatiling mainam ang tunguhin ng pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa, ani Li.


Kasama ng pamahalaan ng Kuwait, nakahandang magsikap ang pamahalaang Tsino upang maisakatuparan ang mahalagang napagkasunduan ng mga lider ng dalawang bansa, at mapalakas ang pagpapalitan at pagtutulungan sa iba’t-ibang larangan upang mapasulong pa ang estratehikong partnership ng kapuwa bansa.


Salin: Lito

Pulido: Ramil