Tsina, inilunsad ang Chang'e-6 lunar probe

2024-05-03 19:05:35  CMG
Share with:


Matagumpay na inilunsad, Mayo 3, 2024, ng Tsina ang Chang'e-6 lunar probe.

 

Kukunin ng Chang'e-6 ang mga sample mula sa malayong dulo ng Buwan, na magiging walang katulad na misyon sa kasaysayan ng sangkatauhan.

 

Sa pamamagitan ng kooperasyong pandaigdig, may lulang apat na payload ang misyon, na kinabibilangan ng mga instrumentong pansiyensya mula sa Pransya, Italya, at European Space Agency sa Chang'e-6 lander, at isa namang maliit na satellite mula sa Pakistan sa orbiter.

 

Ibibigay nito ang mas maraming pagkakataon para sa mga siyentista ng daigdig, at sasamahin ang kadalubhasaan ng sangkatauhan sa paggalugad sa kalawakan.


Editor: Liu Kai