Sa paanyaya ng China National Space Administration, sinaksihan kahapon, Mayo 3, 2024, sa Wenchang Space Launch Site, lalawigang Hainan sa katimugan ng Tsina, ng 50 eksperto mula sa 12 bansa at organisasyong pandaigdig ang paglulunsad ng Chang'e-6 lunar probe.
Lumahok din sila sa isang workshop tungkol sa mga pandaigdigang payload na dala ng Chang'e-6, kung saan hinahangaan ng mga kalahok ang malawakang kooperasyong pandaigdig sa misyon ng Chang'e-6, at sinang-ayunang patuloy na pasulungin ang kooperasyon sa paggalugad sa Buwan at malalim na kalawakan.
Kukunin ng Chang'e-6 ang mga sample mula sa malayong dulo ng Buwan, na magiging walang katulad na misyon sa kasaysayan ng sangkatauhan.
Sa pamamagitan ng kooperasyong pandaigdig, may lulang apat na payload ang misyon, na kinabibilangan ng mga instrumentong pansiyensya mula sa Pransya, Italya, at European Space Agency sa Chang'e-6 lander, at isa namang maliit na satellite mula sa Pakistan sa orbiter.
Ibibigay nito ang mas maraming pagkakataon para sa mga siyentista ng daigdig, at sasamahin ang kadalubhasaan ng sangkatauhan sa paggalugad sa kalawakan.
Editor: Liu Kai