(AI Video) Digital transformation ng pabrika ng bakal at asero

2024-06-03 14:44:40  CMG
Share with:

Ang tinunaw na bakal ay napakainit higit sa 1,500 degrees Celsius.


Dati, kailangang itong dalhin ng mga manggagawa. At ngayon, tinutulungan ng mga unmanned AI vehicle ang mga tao para sa mga mapanganib na gawain.


Ang unmanned AI vehicle ay pwedeng masubaybayan ng malayuan mula sa intelligence control center.


Sa nalalapit na hinaharap, mapapalaya ng sasakyang ito ang mga taong nagtatrabaho mula sa mapanganib na kapaligiran na may mataas na temperatura, maingay at alikabok.


Ang industriya ng paggawa ng bakal ay nangunguna sa plano ng industriya ng Tsina na maging didyital. Nalaman ng Asosasyon ng Bakal at Asero ng Tsina na halos 80% ng bahay-kalakal sa sektor na ito ang gumamit ng teknolohiya ng industriyal na internet para tanggapin ang didyital na pagbabago.