MOFA: buong tatag na tinututulan ang negatibong pahayag ng Amerika, Hapon at Timog Korea tungkol sa Tsina

2024-06-04 16:22:54  CMG
Share with:

Kaugnay ng negatibong pahayag na inilabas kamakailan ng Amerika, Hapon at Timog Korea tungkol sa Tsina, ipinahayag Hunyo 3, 2024, ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA), na sa pamamagitan ng pulong ng trilateral defense ministers at deputy foreign ministers’ dialogue, pinapasulong ng Amerika, Hapon at Timog Korea ang di-umano’y “Indo-Pacific Strategy.” Ito aniya ay isang pag-atake sa Tsina sa isyung may kinalaman sa dagat at paghasik ng alitan sa relasyon ng Tsina at mga kapitbansa. 


Seryosong lumabag ito sa pundamental na prinsipyo ng relasyong pandaigdig, at mahigpit na tinututulan ito ng Tsina, ani Mao.


Sinabi ni Mao na ang prinsipyong isang-Tsina ay konsensus ng komunidad ng dagidig at pundamental na prinsipyo ng relasyong pandaigdig. Ang isyu ng Taiwan ay suliraning panloob ng Tsina, at hindi tinatanggap ng Tsina ang anumang puwersang panlabas na makialam dito. 


Sa kasalukuyan, ang pinakamalaking banta sa kapayapaan ng Taiwan Strait ay seperatistang aksyon ng “pagsasarili ng Taiwan” at suporta nito ng mga puwersang panlabas, diin niya.


Sinabi ni Mao na buong tatag na pinapangalagaan ng Tsina ang soberanya ng teritoryo at karapatan at kapakanang pandagat ng bansa, iginigiit ang mga isyung pandagat sa pamamagitan ng direktang diyalogo at konsultasyon ng mga kaukulang bansa, at buong tatag na tinututulan ang pakiki-alam ng mga bansa sa labas ng rehiyong ito. 


Sa mula’t mula pa’y, ipinalalagay ng Tsina na ang pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng Korean Peninsula at pagpapasulong ng paglutas ng isyu nito sa pulitikal na paraan ay angkop sa komong kapakanan ng iba’t ibang panig. Ang deterensiya, sangsyon at presyur ay magpapataas lamang ng mga tensyon.


Salin:Sarah 

Pulido:Ramil