Mensaheng pambati, ipinaabot ni Pangulong Xi kay bagong halal na Pangulong Sheinbaum ng Mexico

2024-06-05 16:34:01  CMG
Share with:

Ipinaabot Hunyo 4, 2024, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, ang mensaheng pambati kay bagong halal na Pangulong Claudia Sheinbaum Pardo ng Mexico.

 

Tinukoy ni Xi na ang Mexico ay malaking bansa sa Latin Amerika at mahalagang umuusbong na bansa sa merkado, ang Tsina at Mexico ay may komprehensibong estratehikong partnership, at kasalukuyang nananatiling mainam ang pag-unlad ng relasyon ng kapuwa bansa.

 

Lubos aniyang pinahahalagahan ng Tsina ang pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Mexico.

 

Kasama ni Pangulong Sheinbaum, nakahanda si Xi na palakasin ang estratehikong pagkokoordinahan para pamunuan ang walang humpay na bagong pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa, at makapaghatid ng mas maraming benepisyo sa kanilang mga mamamayan, dagdag ng pangulong Tsino.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil