Gobyernong nakabatay sa batas, dapat isulong - premyer Tsino

2024-06-06 17:16:11  CMG
Share with:

Sa kanyang talumpati, Hunyo 5, 2024, sa sesyon ng pag-a-aral na idinaos ng Konseho ng Estado ng Tsina, binigyan-diin ni Premyer Li Qiang ng bansa ang pangangailangan sa pagpapataas ng kakayahan at paglutas sa problema alinsunod ng batas.

 


Kailangan aniyang aktuwal na pasulungin ang pagtatatag ng gobyernong nakabatay sa batas.

 

Nanawagan si Li sa mga opisyal ng pamahalaan na pataasin ang kanilang kaalaman sa alituntunin ng batas, at tupdin ang tungkulin alinsunod sa batas para igarantiya ang gawain ng gobyernong nakabatay ng batas.

Binigyan-diin niya ang pagpapa-unlad ng lehislasyon para maigarantiyang ang mga administratibong aksyon ay may legal na batayan.

 

Aniya, ang mga batas at regulasyong hindi akma sa mga pangangailangan ng reporma at pag-unlad ay dapat agarang baguhin o alisin.

 

Saad pa niya, dapat pabutihin ang sistema ng superbisyon para sa administratibong kapangyarihan.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio