FM ng Tsina at Venezuela, nag-usap

2024-06-06 17:13:16  CMG
Share with:

Sa kanyang pakikipag-usap, Hunyo 5, 2024, sa Beijing, kay Ministrong Panlabas Yvan Gil Pinto ng Venezuela, ipinahayag ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, na ang taong ito ay ika-50 anibersaryo ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.

 


Kaugnay nito, nararapat aniyang igiit ang mahalagang konsenso ng mga lider ng dalawang bansa, ibuod ang karanasan ng matagumpay na pag-unlad ng relasyong Sino-Venezuelan, at mabuting isagawa ang estratehikong plano, para isulong ang all-weather strategic partnership ng Tsina at Venezuela.

 

Ipinahayag naman ni Pinto na palaging matatag na iginigiit ng Venezuela sa prinsipyong isang-Tsina.

 

Taos-puso rin aniya siyang nagpapasalmat sa tulong na ipinagkakaloob ng Tsina sa pamumuhay at lipunan ng Venezuela.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio