Idinaos Huwebes, Hunyo 6, 2024 sa Beijing ang seremonya ng paglalagda ng kasunduang pampamahalaan ng Tsina, Kyrgyzstan, at Uzbekistan hinggil sa proyekto ng daambakal sa pagitan ng tatlong bansa.
Bumati sa pagkakalagda ng kasunduan sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina, Pangulong Sadyr Japarov ng Kyrgyzstan at Pangulong Shavkat Mirziyoyev ng Uzbekistan via video link.
Tinukoy ni Pangulong Xi na ang daambakal na ito ay isang landmark na proyekto ng magkakasamang konstruksyon ng Belt and Road cooperation ng tatlong bansa.
Aniya, ang pagkakalagda ng kasunduan ay magkakaloob ng matibay na pundasyon ng batas para sa konstruksyon ng proyektong ito, at nagpapakita rin ng determinasyon ng tatlong bansa sa pagpapasulong ng kooperasyon at magkakasamang pag-unlad.
Kasama ng Kyrgyzstan at Uzbekistan, nakahanda ang panig Tsino na patuloy na magsikap para itayo ang daambakal na ito sa lalong madaling panahon, dagdag pa ni Xi.
Magsisimula sa Kashgar ng Rehiyong Awtonomo ng Uygur ng Tsina ang daambakal na ito ay dadaan sa Kyrgyzstan papuntang Uzbekistan, at maaaring idugtong papuntang Kanlurang Asya at Timog Asya sa hinaharap.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil/Jade