Kalakalang panlabas ng Tsina, tumaas ng 6.3% noong unang limang buwan

2024-06-07 15:38:41  CMG
Share with:

 


Ayon sa datos ng Pangkalahatang Administrasyon ng Adwana ng Tsina Biyernes, Hunyo 7, 2024, tumaas ng 6.3% ang kabuuang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas ng mga paninda ng Tsina mula noong Enero hanggang Mayo ng taong ito, kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon.

 

Kabilang dito, lumaki ng 6.1% ang pagluluwas ng bansa noong unang 5 buwan ng 2024, kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon, samantalang tumaas ng 6.4% naman ang pag-aangkat.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil